Ito yung tanong na alam kong
hindi naman talaga itatanong sa akin. Pero, I still want to share my reasons
kung bakit nga ba single ako or ikaw na nagbabasa nito. You see, I’m not really
“Miss Popular” or yung pinakamaganda sa classroom. Hindi ako agaw-atensyon at
mas lalong hindi papansin. Mahiyain? Oo, siguro, pero mas magandang sabihin na
sadyang hindi ko lang hilig ang unang makipagkilala sa mga tao. I’d rather
stick up to my friends rather than meeting new people and talking to them. Marami
naman rin naman kasi akong “friends” online. Sa century na kinabibilangan ba
naman natin ngayon, meron pa bang tao (na may social life kahit papaano) ang
bababa sa isang daan ang bilang ng friends sa facebook? Siguro naman wala hindi
ba? Although I admit na yung iba talaga ay hindi ko kakilala pero at least
naman yung karamihan sa mga ina-add ko as friends eh kilala ko. Hindi nga lang
talaga siguro ako kilala. Madali akong maka-memorize ng hitsura ng isang tao
lalo pa’t nasa iisang school kami o di kaya ay lagi kong nakakasabay sa jeep or
tricycle. Ewan. Special ability ko na rin siguro yun. Alam kong medyo weird
pero I guess ganun talaga ako. Going back sa main focus ng sinulat kong ito,
ang sagot ko lang naman sa tanong na yan ay because it’s my choice.