Biyernes, Mayo 4, 2018

Bakit ako single?

Ito yung tanong na alam kong hindi naman talaga itatanong sa akin. Pero, I still want to share my reasons kung bakit nga ba single ako or ikaw na nagbabasa nito. You see, I’m not really “Miss Popular” or yung pinakamaganda sa classroom. Hindi ako agaw-atensyon at mas lalong hindi papansin. Mahiyain? Oo, siguro, pero mas magandang sabihin na sadyang hindi ko lang hilig ang unang makipagkilala sa mga tao. I’d rather stick up to my friends rather than meeting new people and talking to them. Marami naman rin naman kasi akong “friends” online. Sa century na kinabibilangan ba naman natin ngayon, meron pa bang tao (na may social life kahit papaano) ang bababa sa isang daan ang bilang ng friends sa facebook? Siguro naman wala hindi ba? Although I admit na yung iba talaga ay hindi ko kakilala pero at least naman yung karamihan sa mga ina-add ko as friends eh kilala ko. Hindi nga lang talaga siguro ako kilala. Madali akong maka-memorize ng hitsura ng isang tao lalo pa’t nasa iisang school kami o di kaya ay lagi kong nakakasabay sa jeep or tricycle. Ewan. Special ability ko na rin siguro yun. Alam kong medyo weird pero I guess ganun talaga ako. Going back sa main focus ng sinulat kong ito, ang sagot ko lang naman sa tanong na yan ay because it’s my choice.  
Maybe some of you might find it as an excuse because of as I said earlier that I’m not really pretty pero yun ang totoo. Let’s be honest here okay? 21st century na ngayon. Halos lahat mabilis mo ng nakukuha. Food delivery, online shopping, e-mails, phone calls, etc. This century gave birth to most of the technologies today that we are currently using. Lahat ng bagay nagiging mabilis because of the technologies that we have. An effective and efficient way of communicating has been made possible for most of the people in the planet. Kakabit nga nito ang mabilis rin na paghahanap ng magiging ka-relasyon mo ngayon, mamaya, bukas, or sa susunod na mga araw. Hindi ko sinasabing madali lang yun pero ika nga nila, daig ng madiskarte ang matalino. Basta alam mo lang lumandi, magpalandi, at makipaglandian ay okay ka na. Iyon kasi ang nagpapaikot para magkaroon ka ng karelasyon. You must somewhat know how to flirt. Yung landing sinasabi ko ay hindi para sabihing kaya nasa isang relasyon ang iba ay dahil malandi sila. Ang salitang “landi” kasi sa Filipino ay nagkakaroon na ng ibang konotasyon dahil sa mga taong makakati at hindi makuntento sa isa. Ang landing tinutukoy ko rito ay yung pagiging approachable mo sa iba in a romantic kind of way. Yung tipong hindi mo tatarayan at sosoplakin agad-agad. Karamihan sa mga ka-edaran kong nasa isang relationship ay madalas na unang nagkakakilala dahil sa text or chat. I was born in the 90’s just so you know. Hindi ko naman sila hinuhusgahan kasi alam ko namang text at chat ang pinakapraktikal na gawin para ma-approach or mas makilala pa yung taong gusto mo. At syempre, alam ko ring kaunti na lang yung mga lalaking mage-effort talaga para lang mapasagot or mapasaya ka. Ang effort na tinutukoy ko rito ay yung parang sa mga romantic movies na napapanuod natin. Yung isusurprise ka with a bouquet of flowers, haharanahin, kokontratahin yung mga kaibigang hawakan yung banner or illustration board na may design at message na para sa iyo. Nakakakilig ‘di ba? Yun yung effort na hindi na uso sa mga lalaki ngayon dahil may mga stickers at emojis naman sa fb o di kaya pictures sa internet na pwedeng i-copy and paste. Kung meron mang mga lalaki ngayon sa Pilipinas na handang mag-effort ng tulad sa mga movies ay halos mga taken na. Well, that’s what movies are for para sa akin. Isa kasi akong certified hopeless romantic na nabubuhayan sa mga Koreanovelas, anime, at pagbabasa ng mga novels. Kabilang ako sa mga taong maliban sa love life ng mga tao sa paligid niya at sa mga napapanuod at nababasa, ay sa tuwing iihi na lang kinikilig. No boyfriend since birth ako. Katulad nga ng sinabi ko kanina ay choice ko naman na maging ganun ako. Ngayon, kung tatanungin ninyo kung may nagtangka bang manligaw sa akin, ang sagot ko ay wala. As in wala. Minsan naiisip ko kung pangit ba ako. Dahil kaya sa marami akong pimples? Maliit ako? O, di kaya naman dahil sa ang simple ko pumorma? Napagkakamalan kaya nila akong tomboy kaya ganun? Ilan lang yan sa mga naitanong ko sa sarili ko kung bakit ni isa wala man lang nagtangkang ligawan ako. Pero kahit na ganun yung sitwasyon ko ay pinapalakas ko na lang yung damdamin ko. Kabisado ko naman kasi ang mukha ko kahit hindi ako humarap sa salamin. Alam ko rin ang hitsura ko kapag naayusan kaya sa tuwing may mga babae akong nakikitang may boyfriend na kasama at alam kong mas maganda ako (medyo mayabang pero opinyon ko lang naman ito) ay nabubuhayan ako ng lakas ng loob. Hindi naman porket hindi ka masyadong nabiyayaan sa aesthetics ay imposible ka ng magka-love life. Sabi nga nila, daig ng malandi ang maganda.
           
          Most of the women my age ay alam kong may mga naging boyfriends na. Pero somehow sa mga kabarkada ko ay mangilan-ngilan lang. Kung hindi kasi focused sa pag-aaral ay puro pagiging “fan girl” rin ang inaatupag at panunuod ng mga Korean dramas, movies, anime, at pagbabasa umiikot ang mundo . Sobrang kasundo ko ang mga kaibigan ko kaya naman walang pressure sa pagkakaroon ng boyfriend. We don’t really like discussing the love department in a serious way. Siguro kasi bata pa rin kami at puro asaran at match-making pa rin ang ginagawa namin. Hindi ako magpapaka-hipokrita at sasabihing mababait kami and all kaya halos lahat kami ay single pero sadyang mas maganda lang talaga na huwag madaliin yung mga ganoong bagay. True love waits, cliché man pero yun ang pinaniniwalaan ko. I don’t really mind growing old alone to be honest. Mahirap paniwalaan pero ayos lang talaga sa akin kung yun man ang mangyayari. May mga babae kasing ayaw na ayaw sa thought na yun. Of course, I’m not looking forward to that kasi pangarap ko ring ikasal at magkapamilya sa lalaking mahal ko at mahal din ako. Yung thought pa lang na magkakaroon kami ng masayang kasal, maaliwalas na bahay, at cute na mga chikiting ay sobrang saya na kaya gustong-gusto ko rin ma-experience iyon. I’m aware that I may not really get my fantasies and movie-like romance pero as long as makatagpo lang ako ng lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako ay okay na okay na yun for me. Kahit na ang edad ko ay wala pa sa marrying age at nasa college pa lang ako, I’m really looking forward to the future-my future career and love life. Wala sa balak ko ang makipagrelasyon sa ngayon. As I said, it’s my choice. Pinili ko talaga ang maging single hindi dahil sa walang mga nanliligaw sa akin kung hindi dahil gusto ko talaga ang single life. Hindi ko rin kasi ma-imagine ang sarili ko na nasa isang relationship. Yung tipong may ka-text ka lagi at ka-tawagan. Plus, kahit na kakikita nyo lang ay mag-uusap na naman kayo sa phone afterwards. The idea seems to be draining me at parang hindi ko na magagawa yung mga gusto ko. I tried asking my friend about why people in a relationship does that at ang sinabi niya lang ay basta magiging ganun ka na lang daw. Hindi mo na raw mamamalayan na lahat ng mga bagay na corny sa akin ngayon ay magiging romantic kapag nandun ka na. Well, I kind of agreed to her kasi di ba sa mga palabas at libro ay parang nagiging mundo nyo na ang isa’t isa. Siguro nga ganun talaga ang mararamdaman mo kapag somehow ay nasuklian yung feelings mo. Never pa man akong nagka-boyfriend pero minsan na rin naman akong na-inlove. Ang sarap talaga sa feeling kapag napansin ka niya at nagkausap kayo. Hindi ko siya naging boyfriend pero imposible naman tawaging crush lang yun kasi buong high school life ko ba naman siyang gusto. Common story na siguro para sa mga katulad ko yung unrequited love. Unconfessed din kasi sa kahit sino. Hindi niya pa rin alam at ni isa sa high school classmate ko ay walang nakakaalam  hanggang ngayon bukod sa best friend ko at mga kaibigan ko ngayong college. Medyo nakakatawa kasi sa tuwing makikita ko siya ay parang bumabalik yung feelings ko sa kanya. Feeling ko tuloy never na akong makakamove-on from him. Every time na makikita ko siya, lahat ay bumabalik. May girlfriend siya ngayon and they’ve been together for years now. I’m aware na wala akong chance sa kanya pero kahit na alam ko yun ay parang baliwala lang sa akin kasi hindi pa rin nawawala yung feelings ko. I really feel like he’s the one for me pero unfortunately mukhang hindi ako yung the one niya. It’s funny how I could even feel that he’s the one for me. I know that God only knows who is the one for me kaya maghihintay na lang ako. Kung siya man o hindi, si God lang ang may alam. Isa rin siguro yun sa dahilan ko why I chose to be single. Pwede naman kasi akong lumandi sa facebook at humanap ng text mate/ future boyfriend sa mga clan-clan or online. Sa panahon ngayon, madali ng gawin yun. You just need to have enough courage and willingness to flirt. Ito yung landing ibig sabihin ko. In order to flirt and try to get into a relationship these days, all you need ay lakas ng loob. Dapat ikaw yung maunang makipagkilala and try to get their interest as best as you could. Ito ang paraang ginagawa ngayon ng mga kabataan para makakilala ng mga tao. Ito rin yung isang bagay na malayo sa personality at hilig ko. I don’t really like texting. I prefer calls and meeting in person. Hindi sa choosy at maarte ako pero yun talaga ako. It is my choice and it turns out I’m okay and happy with it.

            Kung bakit ako o ikaw ay single ay alam kong walang pakialam ang iba. Nobody’s business naman ang iyong personal life or love life in the first place. Being single, I believe, is always your choice. A choice that was influenced by the past, present, and what you think are future happenings in your life. Hindi porket single ka ay alone ka na. Being single just means that you can stand up for yourself and that you can be happy on your own.  Tandaan mo, may mga kaibigan at pamilya kang nagmamahal at nagpapasaya sa iyo. Love is the greatest gift of all. You can have it in any other ways. You can experience it most when you least expect it. Alam kong maaring walang makabasa nito dahil sino ba naman ang may pakialam kung bakit ako single. Pero, the reason why I wrote this is because I just wanna share my thoughts on why I am single. Perhaps, gusto ko ring magbigay encouragement sa mga single na nawawalan ng pag-asa paminsan-minsan at syempre gusto ko rin namang mai-share yung mga experiences ko na alam kong may mga tao ring maaaring naranasan o nararanasan ito. Isn’t it fascinating how people experience things, maybe not exact, but still somewhat the same situation as yours? Well, that’s just one of many wonders of life. We only live once so why not live it the way we want right?

          
PS. Hi there! I just want to let you know that I wrote this essay back in 2014, October 22nd to be exact. Hahahaha! Time flies so fast! Almost four years old na pala ito. Gosh! Nothing much has changed for me so I guess chill lang talaga muna ako and just keep living my life as I see fit. 
                                   
God bless po and thank you for reading! J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento