Huwebes, Abril 12, 2018

Tula 003


"Inang Kalikasan"

Ilog na kay linaw
Ika'y 'di na matanaw
Bundok na luntian
Ika'y nasaan?

Mga ibong kumakanta
Nariyan ka pa ba?
Mga lumalangoy na isda
Ikaw pa ba ay makikita?

Hanging kay sariwa
Malalanghap ka pa kaya?
Bughaw na kalangitan
Ikaw pa ba'y masisilayan?

Ilan lamang iyan sa aking alalahanin
Kapag hindi nalagpasan ang mga suliranin
Kinahaharap ngayon ng inang kalikasan
Mga tao nawa'y magising na sa kahibangan

Pagka't ang mundo ay unti-unti ng nagbabago
Lumingon ka lamang sa paligid mo
Makikita mo na ang pagkasira nito
Kung kaya't dapat kumilos na tayo

Mundong luntian na iyong kinalakihan
Magandang tanawin na ating napagmamasdan
Huwag naman nating ipagkait sa susunod na henerasyon
Ang mundong kay ganda at nagsilbi sa ating proteksyon



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento