"Aristotle Pollisco"
Una ko siyang hinangaan
Sa kanta niyang simpleng tao at bagsakan
Malupit bumigkas ang kanyag bibig
At sa pagsulat ng rap siya ang pinaka-astig
Pakilala niya sa sarili ay walang apelyido
Kung kaya naman ika'y magiging interesado
Mga kanta niya'y makatindig-balahibo
Istilo sa pagsulat ay talagang hahangaan mo
Isa siya sa mga makabagong makata
Mga isinulat niya ay tiyak na magpapahanga
Buhay ni Juan sa sariling bayan
Ang kanya laging pinanghuhugutan
Mga salitang binibigkas niya sa kanta
Ay tiyak na mapag-iisip kang talaga
Nilipong istorya ng bawat Pilipino
Sa kanta'y kanyang ikinukuwento
Bawat aspeto sa lipunan may naisulat siya
Nagmahal, binigo, at mayroon ring umasa
Maging mga karanasan sa napiling kasarian
Kanya na ring minsang nagawan
Siya rin ay batang Binangonan katulad ko
Na labis na nagpasaya sa akin ng malaman ito
Pagkat karangalan ng aming bayan ang tulad niya
Isang alamat at tunay na Pilipinong makata
Saludo talaga ako sa iyo Gloc 9!
Ika'y tunay na inspirasyon para sa ating bayan
Mga isinulat mong kanta'y nagsisilbing paalala
Sa bawat Pilipino at ating kultura
-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento