"Entablado"
Tagaktak na pawis
Sa balat ko'y tumatangis
Nanginig na mga kamay
Dulot ng kabang walang humpay
Kasabay sa pagpatak
Ng bawat pawis sa noo
Ang walang patid
Na sigawan ng tao
Malakas man ang kanilang hiyawan
Nangibabaw pa rin ang kabang nararamdaman
Palakpakan at kanilang sigawan
Lumakas pang lalo ng ako'y anyayahan
Umakyat sa entablado
At aking sinubukang
Ilabas ang binansagang
Tinig na ginintuan
Nagpalakpakan ang madla
Matapos kong kumanta
Puso ay kumalma
Kalooban ay napanatag na
Isang gabi na namang tunggalian
Ang aking muling napanalunan
Ako'y napangiti at napahinga ng malalim
Sapagkat sa bahay ay may muling maihahain
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento